Dubai

Good day! I wasn't able to post anything yesterday coz I slept over Maxene's house. Nag-celebrate sila ni Nina ng birthday last Saturday night. Nung papunta na ako sa bahay nila Maxene, nagpasama ako kina Jessie and Jannelle papuntang Citybank para mag-withdraw and sumakay ng taxi. Nakita ko sina Arron Villaflor and Charles Christianson. Ang cute ni Arron, mukha silang mabait dahil kasama nila yung mga fans nila, sinamahan nilang sumakay ng jeep. Nang makarating na ako kina Maxene, saktong pauwi na rin sina Howell, Maynard and Jeff. Binigay ko kay Jeff and Howell yung mga warmer na pinagawa nila. Ako rin nagpagawa ng warmer, number 8 ako, hehehe. Masaya naman yung inuman kasi nandon si Benjo at Angie, sila yung hindi nawawalan ng chika sa lahat, maingay sila at super nakaka-aliw. Si Maxene naman, mukhang bad trip sa mga taong nasa birthday kasi medyo naiingayan na siya at ayaw na n'yang magligpit ng mga kalat. Umakyat siya kaagad and sumunod na rin ako kasi super antok na ko.
About the nomination night of Pinoy Big Brother, nominated si Raquel for the third time along with Cass. Sana naman next week, si Raquel na ang matanggal, nakaka-inis na siya. Si Cass, okay naman siya, nakakatawa nga minsan yung mga statements n'ya.
Yesterday, nanood kami ni Maxene ng Dubai before kami pumasok. Ang ganda ng movie, simple lang siya pero nakakaiyak yung story. Ang guwapo talaga ni Aga, parang hindi tumatanda. Si John Lloyd naman, magaling umarte. Nakaka-inis lang yung part na sobrang nakakaiyak na yung scene dahil na-disgrasya si John Lloyd, tapos na-confine siya sa hospital, niyakap siya ni Aga, yung make-up ni John Lloyd, dumikit sa forehead ni Aga, bwahahahaha!!! Basta, super nakaka-touch ang story. It's not about love triangle as what is expected by many viewers, it's about the love between two brothers.
After my shift yesterday, kasabay ko umuwi sina Oliver at Sheng. Sa ngayon, I'm trying to be nice to Oliver again, after what he did to me. At least, kahit paano, mawalan ako ng isang kinababad-tripan sa office.
Ngayon naman, rest day ko. I went to Glorietta, ibinili ko sina Strasse and Anthony ng T-Shirt na pinapabili nila sa akin both from Happy Days. Strasse wants the yellow "Ninoy Lives In My Heart" shirt while Anthony wants the Rene Requiestas shirt. After that, I went to SM North to submit my application for the advantage card they offer. Unfortunately, ang haba ng pila, next time na lang ulit. Bumili ako ng mga videos na pwede kong mapanood during my off. I bought "Shaun Of The Dead", "Mean Girls", "House Of The Dead" and "White Chicks". Hanggang dito na lang, by the way, Pinoy Big Brother rules!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home