Spinning Around

Life's too short, post as much as you wanted. Take control of everything in your life. I'm the driver of my life, I'm free and I'll do whatever I want. No one can stop me now! Bwahahahaha!!!

Saturday, September 24, 2005

Ang Tibay Ni Raquel: JB Got Evicted


Tonight's the second eviction night. Haaayyy, ang tibay talaga ng kapit ni Raquel. I wanted her out of Big Brother's House. Si JB ang natanggal. According to the text votes, Raquel got 66.3% while JB only got 33.7% of the total votes. I'm not a JB fan but I wanted Raquel out of the show, nakakainis siya, mukhang kulang sa pansin at parang epal. Kanina, may episode doon na binigyan siya ni Bob ng gift, sobrang OA ang reaction n'ya, talagang lumabas pa siya ng house at tumingin sa langit at nagsabing "Thank you po!" with matching OA action. Nakaka-irita talaga. Si JB naman, kawawa, same goes with Say. Sobrang intimate na kasi yung dalawa. I just hope that Say will remain faithful to JB and not flirt with Sam. I've read na maganda talaga ang rating ng show na ito, good thing for ABS-CBN. Talagang ito na nga ang talk of the town ngayon.

Bago pala ako manood ng eviction night, nanggaling ako sa Club 650. Nanood ako ng basketball match between ABS-CBNi and Chevron. Fortunately, tambak ang kalaban. Ang sarap mag-cheer. Kaya lang, mejo disappointed na talaga ako kay Dolly. Instead na umuwi agad ng bahay para alagaan ang mga anak n'ya, talagang sumama pa sa inuman. Parang di na ata siya magbabago, siguro kung bibigyan siya ng wish na maging dalaga ulit, baka tanggapin n'ya. Kawawa naman ang mga anak n'ya. Sa totoo lang, mas nai-impress ako sa mga babaeng mapagmahal sa mga bata, like Donna. Last week, nung mag-ninang siya sa anak ni Honey, talagang kasama n'ya yung pamangkin n'ya. Nakakatuwa siya. Well, sana minsan matauhan na si Dolly, it's for her good, not ours. Amen!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home